buong akala ko’y pag-ibig na tunay
ang iyo sa akin ay inialay
ako naman ay dagling naniwala
pagkat pangako ay walang maliw na ligaya
walang pag-iimbot ikaw ay sinilbihan
dahil yaring puso tunay na nagmahal
wari’y kay tamis pag-ibig na naramdaman
subalit di inakalang ako’y pagtaksilan
ako iyong langit iyan ang tinuran
at walang makahahadlang sa ating pagmamahalan
di nga ba’t sa altar tayo’y nagsumpaan
pag-ibig sa isa’t- isa ay walang hangganan
ngunit bakit iyo akong binigo
nakuha mong sugatan magiliw kong puso
hindi pa ba sapat ang mga nagawa
upang ako ay iyong itatwa
bakit ang puso hinayaan kong mabulag
sa angking ganda ng isang dilag
at ang katotohanan ay di nabanaag
na ikaw ay isang taksil, mapagkunwari at huwad
subalit may bahid man ng pagsisisi
natutunan nang tanggapin yaong pangyayari
kahit na ako ay naiwang sugatan
akin nang ibinigay sayo ang kapatawaran
ikko_padlock is i am the greatest pretender, i can pretend to be you, to be him, i can be anyone i wanna be. don't think that i am a psych, for a very reason i pretend not to fool others, but to fool myself, i pretend to be happy but deep inside hurtful feeling is about to kill me, i pretend to be not me but the reality is it is still me.....
Email this author | All posts by ikko_padlock
nice one! though I don’t understand everything… better if written in Waray
sugad man ha akon, hinaut unta an mga tawo nga nabisita hini nga “site” (dire ak maaram hit hinubad nga termino), in mag wiwinaray. Pastilan, amu na ini an resulta. dire na kita nahibabaro han mga terminolohiya nga aton
……… ano po kaya ang problema kung tagalog lang ang kaya kong isulat
totoong waray ang aking mga magulang… kanya nga lamang ay sa maynila na ako pinanganak…
kung ang pinag uusapan pala ay pagmamahal sa sariling wika di sana ang lahat ng tula o kaya naman mga artikulo dito ay isinulat na lamang sa salitang waray….. ngunit bakit po kaya may mga artikulo sa salitang ingles? ngayon pakipaliwanag naman po kung bakit may negatibong opinyon sa tulang nakasalin sa tagalog? …… kung kaya nyong makapagsalita ng ingles, hindi ba dapat mas kaya nyong maka intindi ng tagalog?
ang labas po kasi sa aming mga tagalog nito ay isang diskriminasyon……….
no offense po sa lahat akoy nag kokomentaryo lamang….